Saturday, April 25, 2020

Ano Po Ba at Paano Mag Invest in Mutual Funds

             



Alam mo Ba ang Safe Investments? 

Ano Ba ang Mutual Funds

Simple Lang Ba?


Isa sa mga di masyadong nalalaman ng mga karaniwang Filipino ay ang Mutual Funds. It  is actually a way to invest in the stock market na di mo kailangang maging eksperto sa investing. Ito rin ang sikreto ng mga mayayaman! Imbes na ilagay nila ang pera nila sa bangko, nag iinvest sila sa Mutual Funds.


Ang mga Mutual Fund Companies sa Pilipinas na magandang pasukan ay ang PhilEquity, Soldivo at marami pang iba. Ang Mutual Funds ay may tatlong klase. Yung puro sa Stock Equities ng mga Blue Chip Companies ay Equity Funds ang tawag, at ang mga Investment naman na karamihan sa pautang sa Gobyerno ay tinatawag na Bond Funds at ang combination nitong dalawa ay tinatawag na Balanced Fund.


Ang maganda sa Mutual Funds, lahat ng  ng dapat gawin para maging successful sa pag invest sa stock market tulad ng money cost averaging, spreading the risk by allocating to diversified companies ay ginagawa na ng Fund Managers ng Mutual Fund Companies.  Ang galing di ba?



E ano ba yung Money Cost Averaging? Simple lang yun. Ibig sabihin lang dapat tuloy tuloy ang pag invest ng pare-parehong halaga sa isang regular na interval. Halimbawa sa ibaba, sa loob ng anim na buwan, bawat buwan ay nag iinvest ng 100Php kahit na ano pa ang situation sa market. Hindi kailangang timingan or bantayan ang pag taas o pagbaba ng stock price. Ang kailangan lang ay madisiplinang pag iinvest. Sa halimbawa sa ibaba, makikita ninyo na kahit pababa ang stock price, malaki pa rin ang ganansiya basta tuloy tuloy ang pag invest. I do not recommend a one time big time investing strategy nor trading. Mas recommended po namin ang Money Cost Averaging lalo na sa mga baguhan. At base po sa aming karanasan, mas madali at mas malaki ang aming naging returns so far sa loob ng 7 years na kami ay nag iinvest..


E ano ba naman ang totoong nangyayari sa Stock Market price ng Mutual Funds? Ay napakanda po. Yung paborito po namin na pag investan na PhilEquity ay kumita na ng mahigit sa 16% average per year sa loob ng mahigit 10 years span since 2007!


Sa bandang huli, ikaw pa rin ang magdedecide kung saan mo gusto ilagay ang pera mo. Dalawa lang ang tanong natin para malaman mo saan dapat ilagay ang pera mo. Ito ay kung gaano ka katagal mag iinvest or kailan mo gagamitin ang investment mo? Pangalawa ay kung anong Risk ang kaya mong dalhin. Kung gusto mo ng malaking balik sa pera mo, mas mattas ang risk. Kung mababa ang risk na gusto mo, mas mababa rin ang posibleng return sa investment mo. At sa bawat consideration mo sa katanungang ito, may tamang investment para sa iyo.


Kung gusto po ninyong mag start na sa inyong mutual fund investment CLICK po ninyo  ito: Be an IMG Members and START INVESTING

Kung gusto pa ninyo ng mas matinding  coaching Contact Benj at 0920-902-1217 or eMail me at richbenj.santiago@gmail.com

Tara na . Mag Invest na Tayo!


God bless us all,
Benj  Fely Santiago
Truly Rich Makers Founder
Senior Executive Vice Chairman IMG
Debt Destroyers Author













No comments:

Post a Comment

"Mayroong Pag Asa!"

                   In about 5 months since the ECQ to GCQ to MECQ  had been implemented. Thousands of people suffered and died from COVID an...